Categories: Showbiz

Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig na makapasok sa mundo ng showbiz.

Wika ni Aleish, “Si Robin Padilla po super idol ko, kaya talagang pinilit kong maka-enter sa showbiz para makita siya at maka-work kasi hanga ako sa dedication niya at ‘yung pagiging humble. Si Jennylyn Mercado rin po, isa pang idol ko.”

Dagdag pa niya, “Nang finally nakatrabaho ko na po ang idol kong si Robin, sobrang saya ko po talaga after ng ekesena namin. Nagpa-picture ako sa kanya, sa wakas nakita ko rin siya in person, sobrang bait at humble.”

Si Aleish ay 27 years old, isang teacher, at tubong Oriental Mindoro. Nagsimula siya sa showbiz bilang model under Philippine Artist Center. Tapos nito ay sumabak siya sa acting workshop.

Kuwento pa niya, “After ko mag-workshop, na-meet ko si Mark Roxas ng Allstar Talent Agency, siya ang nag-train sa akin until may na-meet akong talent handler na ini-line up niya po ako sa show. First break ko po noon ang Onanay as student, after po ay nag-crowd ako sa ibang shows and films. Doon ako nag-start hanggang nabigyan ng role at naging regular sa show ni sir Robin Padilla na Sana Dalawa ang Puso.”

Kabilang pa sa projects na nagawa niya ang Starla ni Judy Ann Santos, Ipaglaban Mo, FPJ’s Ang Probinsyano, at iba pa. Nabigyan din siya ng chance makagawa ng commercials at ilang short films.

Masaya si Aleish sa pag-arte sa harap ng camera at umaasang patuloy na mabibigyan ng magagandang projects.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Bela nanindigang ‘di maka-Duterte; Direk Joyce, iniwan sa bundok

MABUTI naman at maraming showbiz idols ang nililinaw sa madla ang paninindigan nilang politikal sa panahong ito ng krisis ‘di… Read More

21 hours ago

Mga pelikula ni Paolo, nasa Netflix na

SIGURADONG maaaliw na naman ang netizens sa latest vlog ni Paolo Contis sa kanyang YouTube channel na ipinakita niya ang isang karaniwang araw sa… Read More

21 hours ago

Zia, marunong nang maghugas ng kubyertos

KAY sarap panoorin ng latest video ni Marian Rivera na makikitang isa siyang proud mom sa masipag niyang panganay na si Ate Zia.… Read More

21 hours ago

Camille at Iya, may bagong handog sa Mars Pa More!

TIYAK na matutuwa ang mommies sa magandang balitang hatid ng Mars Pa More! hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa kanilang avid viewers.  … Read More

22 hours ago

Mommy Elsie, napaiyak sa frank ng apong si Andre

NAGMANA si Andre Yllana sa kahusayan bilang actor sa inang multi-awarded actress at Prima Donnas star, Aiko Melendez.   Nasaksihan ito ng maraming nanood sa Youtube channel… Read More

22 hours ago

Newbie actor, wish maging Ogie at Michael V.

ISANG short clips monologue entitled Bida sa Sakit ng Lahi ang pinagbibidahan ni Ronnel Lego na isinulat at idinirehe ni Emerson Furto at hatid ng Telon… Read More

22 hours ago