Categories: Hataw Lifestyle

KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ipinagpaliban ngayong 2020 (Dahil sa COVID-19)

Share

DAHIL sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagpaliban ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdaraos ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa taóng 2020.

Idaraos ang parangal sa 2021 at magbibigay ng kaukulang panahon upang makapaghanda ang KWF sang-ayon sa mga wastong hakbang pangkalusugan.

Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay isang prestihiyosong parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na nagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang paglilingkod.

Pagtalima ito sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na humihimok sa lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Nagsimula noong 2016, ilan sa mga ilang ulit nang pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPOST), Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.

Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa komisyonsawika@gmail.com. Maaari rin tumawag kay Bb. Pinky Jane Tenmatay ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa mga numerong (02)8252-1953/09152864011 o sa email na pinkyjanes10matay@gmail.com.

https://www.facebook.com/komfilgov/photos/a.926809631048246/998574693871739/?type=3&theater

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Responde ng Baguio team kailangan sa Cebu para tumulong sa contact tracing

NAKATAKDANG lumi­pad patungong Cebu sa Miyerkoles, 8 Hulyo, ang contact tracing team ng lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor… Read More

30 mins ago

Mga bitak sa paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw po sa inyo. Ako si Mariafe, taga-San Jose del Monte, Bulacan. Isa… Read More

53 mins ago

Walang bibitiw sa ‘Magnificent 4’

NAGKAKAMALI ang mga sunod-sunoran at nagpapagamit sa dambuhalang korporasyong ABS-CBN na bibigay ang tinaguriang ‘Magnificent 4’ sa katauhan nina Boying… Read More

56 mins ago

Julie Anne, santo ng moving on

MARAMI sa fans ng Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang tinatawag siyang “the patron saint of moving on.”… Read More

1 hour ago

Endorsers ng Afficionado, sisibakin na?

APEKTADO rin ang negosyo ni Joel Cruz, ang Afficionado Perfume dahil sa pandemic. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Cruz bagkus tumutulong pa sa… Read More

1 hour ago

Mommy ni Xian, napagkamalang Amalia Fuentes

NAG-POST ang mommy Mary Anne ni Xian Lim sa  kanyang Instagram account  ng picture niya,  na may hawak-hawak na maliit na  hinog na mangga. In… Read More

1 hour ago