Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, ‘di kayang gapiin ng mga basher
Angel, ‘di kayang gapiin ng mga basher

Angel, ‘di kayang gapiin ng mga basher

KUNG may taong bukas palad lagi sa pagtulong, iyon si Angel Locsin. Isa siya sa laging nauuna sa pagtulong lalo’t may mga sakuna. Tulad ngayong may Covid-19 pandemic, agad siyang naghatid ng tulong sa mga frontliner.

 

Bukod sa mga facemask, faceshields, PPEs, pagkain, hospital bed, pagpapatayo ng hospital tent at iba pa ang inihahatid na tulong ni Angel kaya nakalulungkot na marami pa ang namba-bash sa kanya.

 

Eh iyong mga namba-bash sa kanya, may nagawa man lang ba kahit katiting na tulong sa kanilang kapwa?! Kaya magsitigil kayo!

 

Kaya sana, bago alipustahin si Angel, isipin muna ng mga nambabash ang mga tulong na ibinabahagi ni Angel sa kapwa dahil simula noon hanggang ngayon, hindi tumitigil sa pagtulong ang aktres.

 

Ang maganda pa, ulanin man ng bashers si Angel, hindi ito mapipigilan sa pagtulong.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top