Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ABS-CBN, pilit na ibinabagsak
ABS-CBN, pilit na ibinabagsak

ABS-CBN, pilit na ibinabagsak

TEKA, bakit naman pinipilit ibagsak ang ABS-CBN? Kung ano-ano ang mga akusasyong ibinabato sa kanila na noon pa man ay nasagot na. Ang mga alegasyong naitanong na at nasagot na ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at ng mga opisyal ng ABS-CBN nang humarap sila sa senate hearing at sumumpang magsabi ng totoo noon pang Pebrero.

Hindi ba’t nasabi na ng BIR, SEC, at NTC na walang nilabag ang ABS-CBN sa mga batas na may kinalaman sa kani-kanilang ahensiya. Nagpahayag na rin si DOLE Sec. Silvestro Bello na sumusunod sa labor standards ang network. Eh bakit hindi na natapos-tapos ang usaping ito. Ano ba talaga?!

Hangad naming maibalik na sa ere ang ABS-CBN dahil marami na ang naapektuhan. Hindi lamang ang mga empleado mismo ng network maging ang mga kababayaan nating nakatutok dito lalo iyong mga nasa malalayong lugar na ito lamang ang tanging libangan.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top