Friday , July 10 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)
5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)

5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)

ARESTADO ang limang katao sa isang drug bust operation nang bentahan ng hinihinalang droga ang isang pulis sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ethel Cain Bonadio, 23 anyos, at kalaguyong si Russel Cruz, 19 anyos; Amber Bermudo, 36 anyos; James Monforte, 24 anyos, at Wecan Mae Bomio, pawang mga nadakip sa #75 Angel Santos St., Barangay Tumana sa naturang lungsod.

Dakong 1:20 am, ikinasa ng Marikina drug enforcement unit ang buy bust operation laban sa mga suspek na umano’y lantaran ang pabebenta ng droga sa Angel Santos St., sa nabanggit na lugar.

Aktong iniaabot ng isa sa mga suspek ang droga sa tauhan ng Station Drugs Enforcement Operatives nang arestohin ng mga awtoridad ang lima.

Nakuha sa mga suspek ang 22 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P149,600, buybust money, at isang digital weighing scale.

Ayon sa pulisya, sa kabila ng mahigpit na social distancing at curfew dahil sa COVID-19 ay nagagawa umano ng mga supek na magtulak ng droga .

Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top