Friday , July 10 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19
255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19

255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19

POSITIBO ang 255 tricycle drivers sa COVID-19 samantala 400 market vendors ang negatibo sa virus sa isinagawang “rapid test” kamakalawa, 26 Mayo, sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mahigpit na ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) protocol sa lungsod.

Bukod dito, susunod din aniya sa health protocol ang mga magbubukas na mall.

Sa ngayon, wala na silang nakikitang barangay na dapat isailalim sa total lockdown habang patuloy ang isinasagwang monitoring ng local health department sa lungsod.

Dagdag ng alkalde, posibleng ang ilang mga kalye o kalsada sa Mandaluyong ang isailalim nito sa lockdown habang patuloy ang panawagan ng alkalde sa mamamayan na manatili sa bahay upang labanan ang COVID-19. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top