Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, blessings para sa CEO ng Beautederm na si Rhei
Sylvia, blessings para sa CEO ng Beautederm na si Rhei

Sylvia, blessings para sa CEO ng Beautederm na si Rhei

HINDI naiwasang mapaluha ni Sylvia Sanchez nang mag-celebrate ng kanyang birthday last May 19 nang gumawa ng video ang kanyang mga Sylvianians bilang pagbati sa kanyang kaarawan.

Post nga ni Sylvia sa kanyang FB account kasama ang video ng pagbati ng Sylvianians, “Ang wawalnghiya nyo @Sylvianians haha. Pinaiyak nyo ako!! Salamat, salamat at mahal ko kayong lahat, miss ko na kayong mga makukulit na mga bagets at mga wanggets ko, kitakita pag lumayas na si covid stay safe and healthy!!!

Love youuuuu!!!!”

Isa pa sa natanggap nitong pagbati mula sa kanyang mga Sylvianians, “Hi Nay Happy Happy Birthday and more Birthdays to come , sana magkita-kita tayo soon, nandito lang kaming Sylvianians para sayo we miss you and we love you !”

Bukod sa pagbati ng mga nagmamahal niyang supporters, binati rin ng kanyang mga malalapit na kaibigan si Sylvia kasama na ang isa sa malapit sa kanyang puso, ang CEO/President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan.

Post nito sa kanyang FB account, “Di lang ako nagkaroon ng endorser, kundi nagkaroon ako ng kapatid, ng ate.

“Napakaswerte ko. At habang tumatagal, mas lalo kang napapamahal sa kin at sa pamilya ko.

“Maraming salamat ate jo! Gusto kong malaman mo, isa ka sa pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buhay ko. 

“Happy happy birthday my ate Jojo Campo Atayde!!

Stay healthy, Stay blessed. I miss you!! And iloveyou soomuch!! 

Masayang nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Sylvia kasama ang kanyang buong pamilya.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top