Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Max Collins, nagkaroon ng baby room tour sa Casa Magno
Max Collins, nagkaroon ng baby room tour sa Casa Magno

Max Collins, nagkaroon ng baby room tour sa Casa Magno

ISA sa mga pinagkakaabalahan ng soon-to-be Kapuso mom na si Max Collins ay ang pag-aayos ng kanyang baby’s room. Kaya naman nagbigay ng tour ang aktres sa Unang Hirit sa magiging kuwarto ng kanilang anak ni Pancho Magno.

 

Ipinasilip ni Max ang ilang gamit ng kanyang panganay at kabilang na  ang ibinigay na damit ng kaibigang si Andrea Torres.

 

Aniya, “This is the baby room. Hindi pa siya tapos pero ito ‘yung mga gamit ni baby. We have this cute little rocker. And ito ‘yung mga damit na ibinigay sa amin. Ito galing ‘to kay Andrea Torres.”

 

Ipinakita rin ni Max ang inflatable pool kung saan siya manganganak. Napagdesisyonan ng mag-asawa na mag-home birth dahil sa Covid-19 pandemic. Kaya naman nanonood sila ni Pancho ng online gentle home birth classes bilang paghahanda sa kanyang panganganak.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top