Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julie Anne, sobrang lodi si Michael V.
Julie Anne, sobrang lodi si Michael V.

Julie Anne, sobrang lodi si Michael V.

HAPPY at proud si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa patuloy na tinatamasang tagumpay ng award-winning family sitcom ng GMA, ang Pepito Manaloto. Nitong Marso ay ipinagdiwang ng programa ang ika-10 anibersaryo nito.

Gumaganap si Julie bilang si Nikki, ex-girlfriend ng anak ni Pepito (Michael V.) na si Chito (Jake Vargas).

Aniya, “I’m very happy with ‘Pepito Manaloto’ and sobrang promising po ‘yung show and, siyempre, hindi lang siya nakatatawa, nandoon lahat ng emotions, eh.

 “Parang naging roller coaster ‘yung emotions sa ‘Pepito Manaloto,’ when it comes to like script.”

 Malaki rin ang paghanga niya sa multi-awarded comedian na si Michael V. na parte ng creative team ng top-rating program.

“Sobrang talino ng writers, si Kuya Bitoy, sobrang like, wow, sobrang lodi, grabe! Siyempre, sa lahat ng bumubuo ng ‘Pepito Manaloto,’ sobrang thankful kasi award-winning show,” dagdag pa niya.

Ayon kay Julie, napakarami ng pinagdaanan ng karakter niya sa programa maging ng tambalan nila ni Jake.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top