Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez proud endorser ng Beautederm, iniyakan ni Ms. Rhea Tan
Sylvia Sanchez proud endorser ng Beautederm, iniyakan ni Ms. Rhea Tan

Sylvia Sanchez proud endorser ng Beautederm, iniyakan ni Ms. Rhea Tan

IPINAHAYAG ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez na mas naa-appreciate niya ngayon ang bawat minutong kasama ang asawang si Sir Art Atayde at ang kanilang mga anak. Saad ng Kapamilya aktres nang napagtagumpayan nila ang mapaminsalang virus, “It was a dark moment in my life. Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”

Sa panig naman ng Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Tan, sinabi niyang iniyakan niya nang magkaroon ng Covid-19 ang numero unong endorser na si Ms. Sylvia at ang mister nitong si Sir Art.

“Para ko na siyang Ate, umiyak ako nang nag-positive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart,” anang lady boss ng BeauteDerm.

Si Ms. Sylvia, bilang unang ambassador ng Beautéderm na ni-launch on a national scale ang The Face Of Beautéderm – isang titulo na para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto nito.

“Sa edad kong ito, di na ako masyadong nagme-make up at perfect ang Beauté L’ Elixir para sa akin. Gusto ko rin ang berry scent ng Beauté L’ Tous, at di ko na kailangan mag-blower sa Beauté L’ Cheveux. I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” paliwanag pa ni Ms. Sylvia na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan, kasama ang cast ng Pamilya Ko na napapanood kada  5pm Lunes, Miyerkoles, at Biyernes sa mga digital platforms ng ABS-CBN.

Samantala, dalawang milestone ang ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa pag-renew nito kay Ms. Sylvia bilang isa sa mga top celebrity brand ambassadors nito, habang nag-launch ng bagong line of all-natural products.

Upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set – na lahat ay pawang FDA Notified, gaya ng ibang pabulosong mga produkto ng Beautéderm.

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” sambit ni Ms. Rhea.

Base sa masusing pag-aaral, tinatayang 60% ng ipinapahid or ina-apply sa ating balat ay naa-absorb ng ating katawan. Ito ay nangangahulugan na ang cosmetics-loving individuals ay maaaring makakuha ng taunang absorption rate na 5 lbs. na katumbas na kemikal sa kanilang mga katawan. Kaya naman lumilipat ang end-users sa natural beauty products.

Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion safe for all to use, habang isang natural hair oil naman ang Beauté L’ Cheveux na nag-tame ng unruly tresses without the weight of synthetic silicone.

“Gamit namin ang most powerful at effective natural ingredients. We respect their integrity through Cold Process Manufacturing that preserves their potency,” sabi pa ni Ms. Rhea.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top