Tuesday , November 4 2025
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, ayaw pang pabuntis kay Matteo Guidicelli  

KUNG tutuusin isang buwan matapos ikasal sa civil ceremony sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay

nag-umpisa na ang lockdown sa NCR dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito na sana ‘yung pagkakataon ng bagong showbiz couple na makabuo ng baby lalo’t lagi lang sila sa condo. Pero base sa latest interview kay Matteo para sa documentary tungkol sa training sa army na ipapalabas sa i-Want ay walang masabi ang hunky singer-actor kung buntis na ba o hindi ang wifey na si Sarah?

Well, isa lang ang ibig sabihin, wala pa siguro sa plano nila ni Sarah ang magka-baby. As we heard also ay mukhang si Sarah ang ayaw pang magbuntis at marami pa raw gustong gawin sa kanyang singing at acting career. Saka kailangang mag-ipon uli ng Pop Star Princess dahil balitang ang milyones niya ay nasa pangangalaga pa rin hanggang ngayon ng kanyang Mommy Divine.

Pumutok ang issue na planong idemanda ni Sarah ang kanyang ina para sa kanyang properties pero na-postpone ito dahil nga sa COVID-19.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Jovan Dela Cruz Alexis Castro

Celebrity designer Jovan Dela Cruz nagbukas ng 4 na negosyo

MATABILni John Fontanilla BUKOD sa pagiging sikat at celebrity designer, may iba’t ibang negosyong binuksan …

Fifth Solomon Chariz Solomon

Direk Fifth naki-bonding sa ina at Japanese sister sa Japan 

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Japan si Fifth Solomon para magbakasyon at pasyalan ang kanyang ina at …

Ogie Alcasid Odette Quesada Francis Magalona

Ogie may pa-tribute kay Francis M sa Q&A

HARD TALKni Pilar Mateo OA naman talaga ang clamor para sa repeat ng pagsasama ng …

Dondon Nakar

Dondon Nakar ng Apat na Sikat yumao sa edad 66 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SIGURADO kaming nalungkot si Gov. Vilma Santos sa balita ng pagyao ni Dondon Nakar, …