Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez, ini-renew ng Beautéderm; all-natural products, inilunsad din
Sylvia Sanchez, ini-renew ng Beautéderm; all-natural products, inilunsad din

Sylvia Sanchez, ini-renew ng Beautéderm; all-natural products, inilunsad din

DALAWANG milestone ang ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa pag-renew kay Sylvia Sanchez bilang isa sa mga top celebrity brand ambassadors ito, habang inilunsad din ang bagong line of all-natural products.

 

Si Sylvia, bilang unang ambassador ng Beautéderm na inilunsad sa national scale, ay ang The Face Of Beautéderm– isang titulo para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto.

 

Mahalaga ang renewal na ito dahil nagwagi si Sylvia at mister niyang si Art Atayde sa kanilang laban sa Covid-19. “It was a dark moment in my life,” ani Sylvia. “Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”

 

Ayon sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan,“Para ko na siyang Ate. Umiyak ako noong nag-postive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart.”

 

Dagdag pa ni Sylvia na hindi lang business ang relasyon niya sa Beautéderm. “Proud ako sa pag-endorse ng Beautéderm with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. Rei Rei’s good heart and generosity inspires me dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”

 

Samantala, para sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ TousBeauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set– na lahat at pawang FDA notified, gaya ng ibang pabolosong mga produkto ng Beautéderm.

 

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” sabi ni Anicoche-Tan.

 

Ayon sa mga pag-aaral, 60% ng mga ipinapahid sa balat ay naa-absorb ng katawan. Kaya naman ang mga gumagamit ng cosmetics ay posibleng makakuha ng annual absorption rate ng 5 lbs. na rami ng kemikal. Kaya naman lumilipat ang end-users sa natural beauty products.

 

Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion na safe sa lahat ng gagamitin, habang ang natural hair oil naman na Beauté L’ Cheveux ay nag-tame ng unruly tresses without the weight of synthetic silicone.

 

Ang Beauté L’ Elixir, ay isang all-natural skin set na may acne buster properties na may nature’s best ingredients, tulad ng refining toner, sunblock primer, at night fix créme na tamang-tama para sa lahat ng klase ng skin; mainam para sa adults at tweens; at ligtas para sa mga pregnant at lactating mothers.

“Sa edad kong ito, ‘di na ako masyadong nagme-make up at perfect ang Beauté L’ Elixir para sa akin. Gusto ko rin ang berry scent ng Beauté L’ Tous, at ‘di ko na kialangan mag-blower sa Beauté L’ Cheveux. I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” paliwanag ni Sylvia na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan, kasama ang cast ng Pamilya Ko na mapapanood kada 5:00 p.m. ng Lunes, Miyerkoles, at Biyernes sa mga digital paltforms ng ABS-CBN.

 

Game changer na maituturing ang manufacturing process ng mga produktong ito na ginagamit ng Beautéderm sa kanilang all-natural line.

“Gamit namin ang most powerful at effective natural ingredients. We respect their integrity through Cold Process Manufacturing that preserves their potency,” giit pa ni Anicoche-Tan.

 

Para sa mga gumagamit ng mga produkto na may health threatening substances gaya ng parabens, sulfates, phthalates, at triclosan na mayroon ding synthetic colors at fragrances, mainam na lumipat na sa natural beauty products ng Beautéderm ngayong mahalaga ang mabuting kalusugan.

 

Para sa karagdagang impormayon at updates ukol kay Sylvia at sa pinakabagong line ng all-natural products ng Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm Corporation sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

 

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top