Categories: Opinion

MECQ/GCQ man, stay home pa rin at manalangin sa Kanya

Share

MAYROON pa bang inosente sa pananalasa ng COVID 19 hindi lamang sa bansa kung hindi sa buong mundo?  Marahil ang mga sanggol at musmos.

Pero malamang may mga musmos na aral na rin hinggil sa virus sa tulong ng kanilang magulang habang ang iba naman ay bakasyon ang pagkakaalam sa pag-atake ng COVID-19 lalo nang isailalim sa quarantine ang bansa.

Maaaring maunawaan natin ang kakulitan ng mga musmos – lumalabas ng bahay  para makipaglaro pero ang nakaiinis ay ang mga kabataan o mga nagpapakabatang may edad na – sila pa ang nangunguna sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols. Para bang balewala sa kanila ang virus.

Higit pang nakaaasar ang pagsalubong ng nakararami lalo sa Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) nitong 16 Mayo 2020. Inakala ng marami na normal na ang sitwasyon. Kinalimutan na ang virus – inakalang ang paggamit ng face mask, alcohol, face shield ay solusyon sa COVID 19.

Naglabasan at nagpuntahan/namasyal sa malls at iba pa, sa kabila ng panawagan ng gobyerno na manatili pa rin sa bahay kahit nasa MECQ o GCQ ang lugar.

Hindi ba sila naaalarma sa babala ng World Health Organization (WHO) na maaaring mananatili sa mundo ang COVID 19. Nandiyan lang ang virus at naghahanap na makapitan. E, ang masaklap pa naman ay wala pang natutuklasang gamot. Kung mayroon man, experimental pa rin ang lahat.

Nakababahala ang babala ng WHO lalo na’t araw-araw na lumolobo ang bilang ng nahahawaan ng virus maging ang namamatay.

Ang lahat ay nag-iingat hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa lahat, kabilang ang frontliners pero itong mga pasaway pansarili lang ang iniisip. Lakwatsa pa rin ang nasa isip – hindi lang sa mall ang puntahan kung hindi sa bahay ng mga kaibigan para nakipagkuwentuhan…at inuman.

Hindi ba naisip ng mga pasaway ang magiging resulta ng kanilang katigasan sa ulo – lalong nilang tinutulungan ang virus sa pagkakalat nito. Naisip kaya nila, kung ang medical frontliners nga natin ay kompleto sa bitamina at protection gears sa katawan ay nahahawaan pa, sila pa kayang walang proteksiyon sa katawan kapag nakikipag-inuman o nakikipagtsimisan.

Tandaan, wala pang bakuna at gamot sa COVID 19 kaya, nananawagan ang pamahalaan na makiisa ang lahat para kahit na paano ay maiwasan ang pagkalat ng virus.

Nandiyan lang naman ang mga pasyalan at sa halip ang gawin ay ipokus ang sarili sa Panginoong Diyos. Manumbalik, magsisi at manalangin sa Kanya. Ipanalangin na bigyan ng karunungan ang mga doktor at dalubhasa sa medisina sa ginagawang pagtuklas ng bakuna at gamot laban sa COVID 19.

Lalo na’t napatunayan na walang magawa ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan  sa mundo ngayon laban sa COVID-19 at sa halip, tanging ang Diyos lamang ang makapagpapatigil sa virus.

Kaya sa makakati ang paa, imbes sayangin ang oras sa kalalabas nang walang katuturan, gamitin ito sa pakikipag-usap sa Diyos.

Walang imposible sa Diyos. Magtiwala tayo sa Kanya. Siya lamang ang pag-asa natin laban sa COVID 19.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Almar Danguilan

Published by
Almar Danguilan

Recent Posts

ABS-CBN franchise, ngayong araw hahatulan

NGAYONG Lunes ang huling araw ng pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal. Boboto na ang 45 na congressmen and women na kabilang sa… Read More

14 hours ago

1 patay, 9 arestado sa search warrant

TODAS ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay habang… Read More

14 hours ago

Kelot, kulong (Tumira ng bisikleta)

SA KULUNGAN bumagsak ng isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang naarestong… Read More

14 hours ago

Petisyon vs anti-terror law pinaghahandaan ni Sen. Kiko

INIHAHANDA ni Sen. Francis Pangilinan ang kanyang ihahain na petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Law, partikular ang… Read More

14 hours ago

DFA-OCA sarado ngayon

INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang sarado ang Office of Consular Affairs (OCA) na matatagpuan… Read More

14 hours ago

DOH maglalabas ng mas maaga at maayos na resulta ng COVID-19 cases

NAGPALIWANAG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa record-breaking na kaso ng COVID-19 cases na naitala… Read More

14 hours ago