Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marlo Mortel, masayang-masaya sa collab kay American Idol finalist Evelyn Cormier sa kantang Bones
Marlo Mortel, masayang-masaya sa collab kay American Idol finalist Evelyn Cormier sa kantang Bones

Marlo Mortel, masayang-masaya sa collab kay American Idol finalist Evelyn Cormier sa kantang Bones

NAGPAHAYAG nang labis na kagalakan si Marlo Mortel sa magandang kinalabasan ng collab nila ni American Idol finalist Evelyn Cormier ng kantang Bones. Marami kasi ang nagandahan sa music video ng Bones, kasama na kami.
Ito’y base sa FB post niya, matapos lumabas ang naturang single na naka-collab niya si Cormier, na naging Top 14 sa American Idol last year.
“Happy? Happier! Happiest!

Thank you for loving my first written/produced/edited duet track! “Bones” took a lot of work, especially Evelyn Cormier being in New Hampshire. But seeing all the positive feedback makes everything worth it.”

Nang nag-pm kami sa kanya, para batiin sa magandang kinalabasan ng kanilang collab, ito ang tugon sa amin ni Marlo: “Yes tito, dugo at pawis talaga. Salamat!”

Ang Bones ay magiging bahagi ng Love On Lockdown Originals, na lahat ay isinulat ni Marlo habang ang buong Luzon ay naka-ECQ bunsod ng coronavirus.

Ang iba pang original songs ni Marlo ay ang KoronaSeri’s SongMayakap Kang MuliRacing Waters, at Unreciprocated.

Ang music video ng Bones ay ini-release last May 19 sa YouTube at Facebook. Sa May 27 naman ito magiging available sa Spotify. Si Marlo ay magpu-produce ng kanyang sariling label, ang Marlo Music.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top