Saturday , April 20 2024

Chris Tiu, patuloy ang pagbabahagi ng kaalaman  

NASA ilalim man ng modified enhanced community quarantine ang buong bansa, tuloy-tuloy pa rin para si iBilib host Chris Tiu sa pagbabahagi ng kaalaman sa mga viewer lalo pa at mapapanood na rin tuwing Martes at Huwebes ang kanyang award-winning educational show sa GMA Network.

Tuwing umaga ay magbabahagi ang iBilib ng mga masasayang Science experiments na pwedeng pag-bonding-an ng mga magulang at kanilang chikitings. Lubos namang ikinatuwa at ikinasabik ni Chris ang pag-ere ng iBilib tuwing umaga sa Kapuso Network na pwedeng alternatibong paraan para patuloy na matuto ang mga bata sa kabila ng kinahaharap na pandemya.

“Now na wala munang pasukan sa mga eskuwelahan, I think this is a great platform for alternative learning. What we do in the show is to teach science.”

 

Dagdag pa ng dating basketball player at ngayon ay Department of Science and Technology (DOST) ambassador, nami-miss na rin niyya ang iBilib team na matagal niyang hindi nakikita dahil sa ipinatupad na community quarantine. “This is the longest time that we haven’t seen each other and we’re always excited to create new content and new material for the information, for the learning of our viewers,” ani ni Chris.

Mapapanood ang iBilib tuwing Martes at Huwebes, 8:30 a.m., sa GMA-7.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *