Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie at Jak, tatlong taon na ang relasyon
Barbie at Jak, tatlong taon na ang relasyon

Barbie at Jak, tatlong taon na ang relasyon

SA kabila nang umiiral na modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, hindi naman nakalimutan ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na batiin ang isa’t isa sa kanilang third anniversary noong May 19.

Sa Instagram ni Barbie, ibinahagi nito ang kanilang sweet na larawan ni Jak sa Mt. Moiwa Bell of Happiness noong nag-travel sila sa Sapporo, Japan.

“Being with you has been one of the best things that have ever happened to me. You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love, and when it all feels overwhelming… you love more. Happy 3rd Anniversary, @jakroberto. I love you,” ani Barbie sa kanyang caption.

Samantalang nakatutuwang video naman ang ipinost ni Jak nang minsang sorpresahin si Barbie sa make-up room ng GMA Network. “Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo ‘yun 3 years na! Sayang ‘di tayo makapagcelebrate, alam mo na. So, paano, sa May 19, 2021 na lang? Stay at home muna tayo! I love you so much. P.S. eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isa’t isa.”

 

Bumuhos naman ang congratulatory messages para sa dalawa mula sa netizens at kapwa celebrities gaya ni Kate Valdez na costar ni Barbie sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Kasalukuyang napapanood sina Barbie at Jak sa rerun ng pinagbibidahang GMA series na Meant To Be sa GMA Telebabad.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top