Monday , November 17 2025

Sagot ng Meralco sa ERC hintayin — Palasyo (Sa patong-patong na singil sa consumers)

DAGDAG na pasensiya ang hiningi ng Malacañang sa publiko para hintayin ang resulta ng aksiyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa dagsang reklamo ng mga konsumer sa patong-patong at napakataas na singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa konsumo sa koryente habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).

 

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque nag panawagan ng paghihintay sa gitna ng diskonteno sa ayudang mabagal dumating sa hanay ng mga manggagawa, overseas Filipino workers (OFWs), seafarers, at mga naka-lockdown na mamamayan sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ); pagkabalisa sa hindi ligtas na pagbabalik sa trabaho o katiyakan na hindi mahahawa ng coronavirus (COVID-19) kapag lumabas ng bahay dahil sa hindi malinaw na patakaran sa mass testing; at nakapagpupuyos na bill ng Meralco.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala at kombinsido siya na magkakaroon ng adjustments matapos ang pag-alma ng mga konsumer laban sa napakataas na singil ng Meralco.

 

Ayon kay Roque, dapat lamang na kung ano ang nakasaad sa ‘history’ ng metro ay iyon ang bayaran.

 

“So, tingin ko naman ay magkakaroon iyan ng adjustments e. Dahil ang tingin ko roon sa metro ko mismo ha, ang tingin ko sa metro ko dahil hindi nga nabasa, kung ano lang iyong history ‘no. Pero sa tingin ko naman po ay gagawan ng guidelines iyan ng ERC at ipapatupad naman po ng Meralco,” ani Roque.

 

Ikinagalak aniya ng Malacañang ang maagap na pagkilos ng ERC kahit walang direktiba mula sa Palasyo.

 

“Well, this matter po kasi falls within the jurisdiction of the ERC. At nagagalak naman po kami that ERC acted swiftly even without intervention from the Palace. So inaantay po namin ang aksiyon ng ERC dahil lahat naman po tayo ay sinisingil ng mas mataas ngayon,” dagdag niya.

 

Inihayag kahapon ng ERC, inutusan nito ang Meralco na magsumite ng paliwanag sa loob ng limang araw kung ano ang batayan ng pagkuwenta sa tatlong buwang billing cycle sa milyon-milyong konsumer habang nasa ECQ.

 

Nauna rito, partikular na inalmahan ng mga konsumer ang Feb-March bill na ibinatay ng Meralco sa average ng huling tatlong buwang konsumo (Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020) bago mag-ECQ.

 

Ang huling tatlong buwan na pinagbasehan ng ‘method of averaging’ ay nauna nang nabayaran ng mga konsumer, kaya lumalabas na ang Feb-March bill ay inulit lang ang kuwentada ng bayad na bills saka hinati sa tatlo at muling pinababayaran ngayon sa konsumer.

 

Samantala nang ipatupad ang ECQ noong Marso, itinigil ang meter reading at muling ginawa ang pagbabasa nitong 6 Mayo, sakop ang huling linggo ng Pebrero at dalawang unang linggo ng Marso na wala pang quarantine, at pagkatapos nito ngayong Mayo para sa residential customers.

Kaya kung ang Feb-March bill ay ‘average’ ng mga bayad na bills mula Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020, ang magiging actual meter reading naman mula Pebrero, Marso, Abril at Mayo, sa sumang apat na buwan, ay pagkukuhaan ng magiging billing mula Marso hanggang Mayo 2020.

 

“Kung ganito ang magiging kuwentada, lalabas na sobrang singil ang Feb-March bill, dahil bayad na ito mula sa huling tatlong buwan bago mag-ECQ, habang ang bagong meter reading na ire-record ang history, mula nang hindi pa ito nabasa ay magiging basehan ng billing mula Marso hanggang Mayo 2020, malinaw na doble ang sobrang singil,” anang isang konsumer na editor ng isang pahayagan.

 

Aniya, “Kung in good faith ang Meralco, dapat na i-disregard nila ang Feb-March billing na mula sa average ng (paid bills) noong Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020; at ang meter reading na may history mula huling linggo ng Pebrero hanggang Mayo ay dapat nilang i-divide sa apat na buwan, not three months.”

 

“Lumalalabas kasi na dalawang beses sisingilin ang Feb-March bill, una sa pamamagitan ng kuwestiyonableng method of averaging, at ikalawa ay batay sa meter reading,” saad pa ng editor. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …