Categories: Opinion

LTFRB chair Martin Delgra II utak-stagnant na ba ECQ? (Pasahero ng public vehicles gusto i-logbook)

Share

NAPAKA-GENIUS palang magmungkahi nitong si Land Transportation Franchise and Regulatory Board chairman Martin Delgra III.

Mantakin ninyong sabihin na kapag pinayagan nang lumabas ang public utility vehicles, kailangan raw kunin ng mga driver at konduktor ang detalye ng kanilang mga pasahero gaya ng pangalan, address at contact number, para raw sa contact tracing, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Puwede naman natin unawain si LTFRB chief Delgra, ‘yan ay kung sakaling pangkaraniwang mamamayan siya at nasa isang pondohan lang na nagpapalitan ng kuro-kuro.

Baka nga, kinalawang ang kukote dahil sa ECQ. Naging stagnant at nanatili na lang sa pagtulala. Tsk tsk tsk.

Ang siste, siya ay chairman ng LTFRB, isang opisyal na may kinalaman sa operasyon ng mga public transportation.

Siya kaya ang maging driver ng bus o jeep. Magawa niya kaya iyon nang hindi maaabala ang kanyang mga pasahero?!

Pero nakakanerbiyos! Baka patulan ng mga kapwa niya ‘henyo’ ang planong ito.

Sakali mang ‘kagatin’ o payagan ng mga kapwa ‘henyo’ sa gobyerno, kailangang gumawa ng ‘calling cards’ ang mga pasahero, para tuwing sasakay sila, isasama nila sa kanilang bayad ang kanilang calling cards.

Hak hak hak! Nagkahetot-hetot na!

Imbes pag-isipan kung paano gagana nang maayos ang mga public transport vehicles ‘e kung ano-anong ‘sapot’ ang  ini-entertain nitong si Delgra sa kanyang utak.

Panawagan lang po sa government officials:

Umayos naman kayo! Ang tagal nang naka-quarantine ng mga tao, nagtitiis sa hirap at gutom. Pagkatapos pasusunurin ninyo sa mga hindi maintindihang mga panukala ninyo?!

Please lang, magmumog nga muna kayo bago magsalita, ang babantot ng mga sinasabi ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Published by
Jerry Yap

Recent Posts

ABS-CBN franchise, ngayong araw hahatulan

NGAYONG Lunes ang huling araw ng pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal. Boboto na ang 45 na congressmen and women na kabilang sa… Read More

15 hours ago

1 patay, 9 arestado sa search warrant

TODAS ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay habang… Read More

15 hours ago

Kelot, kulong (Tumira ng bisikleta)

SA KULUNGAN bumagsak ng isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang naarestong… Read More

15 hours ago

Petisyon vs anti-terror law pinaghahandaan ni Sen. Kiko

INIHAHANDA ni Sen. Francis Pangilinan ang kanyang ihahain na petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Law, partikular ang… Read More

15 hours ago

DFA-OCA sarado ngayon

INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang sarado ang Office of Consular Affairs (OCA) na matatagpuan… Read More

15 hours ago

DOH maglalabas ng mas maaga at maayos na resulta ng COVID-19 cases

NAGPALIWANAG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa record-breaking na kaso ng COVID-19 cases na naitala… Read More

15 hours ago