DAHIL sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine at ngayo’y MECQ, hindi pa rin nagkikita ang magkasintahang Arjo Atayde at Maine Mendoza. Aminado ang una na sobrang nami-miss niya na ang huli. Sinabi niya ito sa interview niya sa Pep.ph.
Sabi ni Arjo, “It’s hard to be away from your loved ones-family, girlfriend. This quarantine is making us stronger.”
Nami-miss na rin ng award-winning actor ang magtrabaho at ang lahat ng nakakasalamuha at nakakatrabaho niya. Pero sa lahat, si Maine ang pinaka-nami-miss niya.
“But yes, she’s on top of my list.”
MA AT PA
ni Rommel Placente
ni Rommel Placente