Monday , July 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miggs Cuaderno, takot mahawa ng COVID 19
Miggs Cuaderno, takot mahawa ng COVID 19

Miggs Cuaderno, takot mahawa ng COVID 19

AMINADO ang Kapuso young actor na si Miggs Cuaderno na gusto niyang mabigyan ng mga challenging role sa TV man o pelikula.

Si Miggs na magiging 16 year old na this year, ay isang award-winning child actor. Nabanggit niya ang mga papel na sa palagay niya ay mae-excite siyang gampanan.

 

Aniya “Ang pangarap ko pong magawa na role, ‘yung may split personalities. Iyong tipong makikita ang mga kaibahan, like lalaki siya na babaeng pa-cute ang porma, or bata na sira ulo, astig or nerd na suicidal, depress… mga ganoong role po.”

 

Wika ni Miggs, “Gusto ko po ngayon sa career ko na sana magtuloy-tuloy po, para maipakita ko po ang aking talento hindi lang po sa pagpapa-cute, kundi po sa pag-arte talaga. Gusto ko po kasing maging mahusay na actor talaga.”

 

Ipinahayag din niyang nami-miss na niya ang muling humarap sa camera.

 

“Ginagawa ko lang pong maging busy sa ECQ, kasi po boring, nami-miss ko na ang mag-taping,” sambit pa niya.

 

Bago mag-lockdown bunsod ng COVID-19, si Miggs ay napapanood sa top rating TV series ng GMA-7 titled Prima Donnas. Ang serye ay tinatampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at iba pa.

 

Kapag ba ma-lift na ang ECQ, game na siya ulit sumabak sa taping? Hindi ba siya mag-aalala na baka magkahawaan pa sa set?

 

“Siyempre po kahit miss ko na talaga ang mag-taping, pero sabi nga po nila mommy ay delikado pa po na makihalubilo agad sa mga tao, kasi hindi natin alam ang history ng mga taong makakaharap natin.

 

“Ako po kasi, madaling mahawa… Minsan nga po may colds lang ang kausap ko, mamayang gabi mayroon na rin ako. Pero mayroon po akong allergies talaga, kaya may araw-araw akong pang-spray, bawal po ako sa mga dust, usok, at iba pa po,” esplika pa niya.

 

Inusisa rin namin siya kung ano ang itinuturing niyang most challenging role or project na ginawa?

Tugon niya, “Para sa akin po, ang challenging role na nagawa ko ay ‘yung mga Cinemalaya films ko po. Kasi mga first time ko pong nagawa lahat ‘yun. Like iyong Children’s Show, na about sa underground boxing ng mga bata. Then, iyon pong Asintado na isa akong special child/autistic. Plus, iyong Ang Gurong di Marunong Magbasa na ang papel ko naman ay isang NPA, isang child warrior po.

 

“Kaya talaga pong ang mga Cinemalaya films po na nagawa ko, lahat ay challenging roles po. Kasi, hindi po ako ‘yun at inaral ko po talaga lahat ‘yung character ko roon, na first time ko po lahat ‘yun nagawa.”

 

Pahabol ni Miggs, “Sa TV po, sa GMA-7 teleserye, ang pinaka-challenging naman po ay iyong Destiny Rose na ang papel ko ay ang young Joey (Ken Chan), napakahirap po ng role ko roon at masakit. Nasaktan po ako roon sa pagkakabugbog sa akin ng tatay ko roon, binubugbog ako, kasi bading po ako sa teleserye.”

 

Kabilang sa pelikulang aabangan naman kay Miggs very soon ay ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Direk Chito Roño, starring Joshua Garcia at In The Name of The Mother na tinatampukan ni Snooky Serna, directed by Joel Lamangan.

 

Si Miggs ang bida sa Magikland, isang fantasy-adventure film ni Direk Christian Acuña.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top