Wednesday , September 24 2025
NBI

Hiling sa NBI: Online sexual exploitation sa mga bata baklasin sa socmed

NANAWAGAN si Senadora Riza Hontiveros sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matigil na ang pagpapaskil sa social media ng mga larawan ng  mga batang babae.

 

Nakarating sa tanggapan ni Hontiveros, mayroong Facebook pages na nakapaskil ang napakaraming mahahalay na larawan ng mga batang babae.

 

Matagal na ang nasabing Facebook pages at hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang mga paskil sa social media.

 

“Isa sa nakita namin ang Facebook page na ‘Mahilig sa Bata,’” ani Hontiveros.

Dagdag niya, “Napakasakit makita ito, lalo para sa akin bilang isang ina at babae. Ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, may mga ulat na nagsasabing puwedeng mas dumami ang kaso ng online sexual exploitation of children. We need to be more vigilant and make sure that our children are safe and secure, online and offline.”

 

Nananawagan si Hontiveros  sa Bureau na imbestigahan at agarang tanggalin ang nasabing Facebook pages.

 

Anang Senador, “Kailangan malaman ng NBI kung sino-sino ang mga taong nagpapatakbo nito. Kailangang panagutin at ipakulong ang mga kriminal na nasa likod ng mga Facebook pages at online content nito.”

 

“Facebook also needs to be made accountable for these pages. The tech giant, with all its resources, should have technologies and mechanisms in place that prevent these kinds of pages from existing. Sobrang nakababahala na hanggang ngayon, may mga ganito pang nangyayari sa platform na ito,” pahayag ni Hontiveros.

 

 

“Kailangan protektahan ang online space bilang safe spaces. We need to make sure that our children are safe online, lalo na ngayong mas marami ang oras na ginugugol nila sa social media,” paalala ng Senadora.  (CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …