Wednesday , April 17 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

China pananagutin?

KUNG oobserbahan ay hindi mahirap mapuna na lalong lumalala ang hidwaan ng Amerika at China, lalo na kung pandemya ng COVID-19 ang paksa ng usapan.

 

Maging ang malalapit na alalay at iba pa ay pinagsabihan umano ni President Donald Trump na kailangang magbayad ang China ng bilyon-bilyong dolyar sa pandemya bilang kompensasyon.

 

Sa katunayan, ayon sa apat na senador mula sa administrasyon ng Amerika, ilang opisyal nila ang nagsimula nang pag-aralan ang mga mungkahi kung paano parurusahan o hihingi ng kabayaran sa China sa pag-aasikaso nito ng pandemya ng coronavirus.

 

Ang katotohanan ay galit na si Trump at binabalak alisin ang “sovereign immunity” ng China para maidemanda ng gobyerno ng Amerika at ng mga biktima at masingil ng danyos sa prehuwisyo.

 

Ayon sa Amerika ay nanahimik ang China at hindi ipinagsabi agad-agad sa buong mundo ang nangyayaring virus. Bukod dito ay nabigo raw ang China na kontrolin ang virus kaya mabilis itong kumalat.

 

Maging ang Australia ay pumasok sa eksena at nanawagan sa World Health Organization (WHO) na alamin kung paano nagsimula ang COVID-9.

 

Pero alangan namang hindi pumalag ang China at hayaan na lamang ang pag-atake sa kanila. Nagbabala na ang isang opisyal nila na baka ma-boycott ang mga estudyante at turistang galing Australia, pati na ang bentahan ng mga produktong karne at alak. Pati ang kalakalan ay malamang maapektohan.

 

Posibleng lumala pa ang hidwaan nila at lumaki pa ang isyu sa mga darating na araw, lalo na’t patuloy na dumarami ang bilang ng mga naapektohan at namatayan sa COVID-19 sa buong mundo.

 

Pero sa totoo lang, masisisi ba ang China samantala sila man ay dumanas ng kahirapan at pagdurusa sa pagkalat ng sakit at ilan din mga Tsino ang nasawi dulot nito?

 

Hindi sa kumakampi ako sa China pero ang pagkalat ng sakit ay mahirap naman talagang mapigilan, lalo na kung walang nakaaalam ng background ng naturang sakit.

 

Lahat tayo, ang buong mundo, ay nabigla at nabulaga sa pagkalat ng sakit. Walang handa rito kaya hanggang ngayon ay nagsasagawa ng mga pag-aaral ang iba’t ibang bansa, kabilang na ang Filipinas, kung paano ito mapipigilan.

 

Habang ang Amerika, Australia at iba pang mga bansa ay nagpaplano na panagutin ang China sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paghingi ng danyos, asahan natin na hindi sasali ang gobyernong Filipino sa ganoong panawagan.

 

Nakatatawa at nakaiinis isipin. Sa halip, tayo ay nagpapasalamat pa nga sa China dahil kung hindi sa pagkalat ng COVID-19 ay hindi tayo makatitikim ng ayudang medikal sa kanila. Maraming salamat ha…

 

Maraming salamat, Best Friend!

 

*              *              *

 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *