Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Krystall Herbal Oil nag-ampat ng pagdurugo sa sugat
Krystall Herbal Oil nag-ampat ng pagdurugo sa sugat

Krystall Herbal Oil nag-ampat ng pagdurugo sa sugat

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako ay isa sa tagatangkilik ng Krystall herbal products lalo na ang inyong Krystall Herbal Oil.

Ilang beses ko nang napatunayan ang mahusay nitong nagagawa sa bahay lalo na kung may mga hindi inaasahang pangyayari.

Minsan, nakalawit ang balikat ko sa isang nakausling alambre. Hindi naman ito natusok pero nagdugo nang matindi.

Nataranta ako kaya hinugasan ko agad ng malinis na tubig at sinabon maigi saka binanlawan ulit. Pero patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng bulak, nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil saka mariin kong idinampi sa aking sugat.

After five minutes, pag-angat ko ng bulak, aba, tumigil na ang pagdurugo. Naampat na at ang tingin ko sa sugat ay parang natuyo kaagad. Napakapambihira talaga.  

Sister Fely Guy Ong, pambihira talaga ang husay ng inyong Krystall Herbal Oil. Tunay na miracle oil.

More power po and God bless.

Salamat po,

MA ROSA

Caloocan City

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

 

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top