Saturday , April 20 2024

Arjo Atayde, kloseta 

KLOSETA ba ang karakter ni Arjo Atayde sa iWant original movie na Love Lockdown handog ng Dreamscape Digital Entertainment na mapapanood na sa online streaming nito simula sa Mayo 15?

Napanood kasi namin ang trailer at sa bandang huli ay ipinakitang naka-red lipstick siya at ang sabi sa amin, “patagong bading siya.”

Sabagay, noon pa naman hindi na namimili ng role si Arjo dahil wala siyang qualms kung anong ibigay sa kanyang karakter, “hindi po ako namimili ng role, kahit ano dahil every role, I took it a challenge,” laging sinasabi ng aktor sa mga panayam niya.

Extreme nga ang karakter ni Arjo sa iWant original series na Bagman bilang si Benjo Malaya dahil lalaking-lalaki tapos dito sa Love Lockdown, kloseta siya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong gumanap na bading si Arjo dahil napanood na siya sa Maalaala Mo Kaya noong 2014 sa episode na Dos por Dos bilang gay parent at noong 2017 bilang si Rocky Gathercole sa episode na The Rocky Gathercole Story.

Anyway, nitong nakaraang linggo lang kinunan ang Love Lockdown na sakto ang titulo dahil naka-ECQ ang buong bansa at tatalakayin ang iba’t ibang buhay ng bawat karakter kung kumusta na sila.

Ang Love Lockdown ay pangungunahan din nina Angelica Panganiban, Jake Cuenca, JM De Guzman, Tony Labrusca, Kylie Versosa, at Sue Ramirez, mula sa direksiyon nina Andoy Ranay, Darnel Villaflor, Noel Escondo, at Manny Palo.

Ang ganda ng naisip ng creative team ng Dreamscape Entertainment dahil kahit mahirap gumalaw sa Metro Manila ay nakagawa sila ng pelikulang aaliw sa mga sumusubaybay ng mga palabas sa iWant dahil ito na lang ang isa sa napaglilibangan ng mga kababayan nating nasa loob lang ng bahay ngayon sa panahon ng pandemiya.

Hindi na kami magtataka kung isang araw ay ito na ang mauusong teknolohiya ngayon sa shootings/tapings gamit ang zoom para magkaroon ng koneksiyon ang mga karakter.

Base kasi sa magiging rules and regulations kapag bumalik na ang entertainment industry ay limitado na sa 50 katao ang manggagawa kasama na ang mga artista para may social distancing pa rin.

Anyway, abangan ang Love Lockdown ngayong Mayo 15 sa iWant originals.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *