Thursday , April 25 2024

Gabby Lopez, tunay na Pinoy

TUNAY na Filipino. Ito ang igiiit sa statement na ipinalabas ng ABS-CBN sa mga kumukuwestiyon sa citizenship ni Mr. Gabby Lopez.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN.

“Si Gabby Lopez ay isang Filipino citizen.

 Ang mga magulang niya ay Filipino nang siya ay ipinanganak, at sa ilalim ng 1935 Constitution na epektibo noong ipinanganak siya, awtomatiko ay isa siyang Filipino.

 Hindi na niya kailangan pang kumuha ng Filipino citizenship dahil hindi naman ito nawala at hindi niya rin tinalikuran ang kanyang Filipino citizenship.

 Ipinanganak siya sa US at sa ilalim ng US Constitution, isa rin siyang US citizen.

 Hindi lang pasaporte ang nag-iisang basehan ng citizenship. Noong lumapit si Ginoong Lopez sa Bureau of Immigration, ito ay para lamang opisyal nilang kilalanin ang kanyang pagiging Filipino.

 Parehong kinilala ng Department of Justice at Bureau of Immigration ang Philippine citizenship mula kapanganakan ni Ginoong Lopez ayon sa nakasaad sa Identification Certificate No. 0069 na may petsang 1 October 2002.

About Hataw Showbiz

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *