Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / No touch sa massage therapist, areglado sa Krystall Herbal Oil (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)
No touch sa massage therapist, areglado sa Krystall Herbal Oil (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

No touch sa massage therapist, areglado sa Krystall Herbal Oil (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Sa panahon ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ), nasakripisyo pati ang regular kong pagpapamasahe sa massage therapist gamit ang inyong Krystall Herbal Oil.

        Ang regular na pagpapamasahe ko ay nakatutulong sa maayos na sirkulasyon ng dugo lalo na kung ang ihahaplas sa aking katawan ay Krystall Herbal Oil.

        Hindi po ito pagsisipsip, Sis Fely Guy Ong. Totoo po ito. Kaya ngayon pong ECQ, pakiramdam ko hindi lang ang mental health ang apektado kundi maging ang mga ugat at daloy ng dugo.

        Pero ginawaan ko po ito ng remedyo. Sa gabi para ako’y makatulog nang maayos at relax na relax, naghahaplos po ako ng Krystall Herbal Oil sa aking likod, sa aking balakang, sa aking tiyan, sa mga braso, mga daliri, at mga binti.

        Pinakahuli kapag nakahiga na ako, ang aking sentido. Magkasabay kong hinahaplos ng Krystall Herbal Oil ang kaliwa at kanang sentido hanggang hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako.

        Paggising ko po sa umaga, relax na relax ako.

        ‘Yan ang aking patotoo sa Krystall Herbal Oil, Sis Fely.

 

Lubos na nagpapasalamat,

 

MARIVIC CLEMEN

Valenzuela City

 

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top