Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Golden Canedo, may payo sa mga The Clash online auditionee
Golden Canedo, may payo sa mga The Clash online auditionee

Golden Canedo, may payo sa mga The Clash online auditionee

NAGBIGAY ng mensahe ang The Clash season 1 grand winner na si Golden Canedo sa mga sasali sa online auditions ng The Clash.

Nagsimula ang online auditions noong April 4, 2020 at magtatapos sa June 28, 2020. Kaya naman nagbigay ng payo si Golden sa mga nangangarap maging next singing sensation ng kompetisyon.

Aniya, “Gusto ko lang sabihin sa kanila na sa kahit ano man ang nangyayari sa mundo natin, sa pamilya natin, sa maraming masasakit na nangyayari sa atin, magpatuloy lang sila sa dreams nila. Huwag mawalan ng pag-asa and patuloy pa ring ipakita ‘yung talento na ibinigay ng Diyos.”

 Samantala, sa mga nais mag-audition, kailangang mag-submit ng dalawang audition videos: isang English song entry at isang Filipino song entry na may kasamang accompaniment. Bawat video ay kailangang may maikling introduction. Ang song entry ay hindi dapat lumagpas ng 1 minuto at 30 seconds at may video formats na .mp4, .mov, at .avi lamang. Ang maximum file size ng bawat video ay 30 MB at kailangang i-submit at i-upload by sa www.gmanetwork.com/TheClashAuditions.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top