Thursday , April 18 2024

Pauline Mendoza, nahawa sa pagiging generous ni Ms. Rhea Tan  

SA SIMPLENG pamamaraan ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza ay nagpahatid siya ng pagtulong sa mga frontliner at iba pang kaya niyang bahaginan ng ayuda. Aminadong mayroong pagkailang na sumagi sa isip niya dahil kailangang mag-ingat para sa mother niyang may breast cancer.

“Hindi naman po ako lumalabas, inuutos ko lang po na i-deliver. Pero nang nalaman ko na medyo tumataas ang positive cases natin, as much as possible I stay at home na lang po. Kasi vulnerable kay mom, pero if hindi, gusto ko pong tumulong,” pahayag ni Pauline nang maka-chat namin kamakailan.

Dagdag ni Pau (nickname ni Pauline), “Noong una po tito, nagbigay po ako ng foods sa frontliners sa checkpoints dito sa Marikina, since I lived here. And also sa mga nadaraanan ko pong mga grab drivers natin, binigyan ko rin po sila.

“Then second, nag-join po ako sa isang campaign which is the #istayhomefor just to encourage everyone to stay at home during this crisis. Third po is nag-isip na po ako to do a fundraising, pero ginawa ko po siyang private fundraising.

“So basically, galing po ‘yung donations sa family and close friends ko po. And I’m blown away with all their generosity. So nakapagbigay din po ako ng relief goods dito sa barangays sa Marikina and patuloy pa rin po akong nagbibigay ng mga face masks, face shields, and PPEs sa hospitals and umabot na rin po ako sa Quezon City and Las Piñas para mag-donate.”

Ano ang nami-miss niya mula nang nagka-lockdown? Paano niya pinalilipas ang oras at araw na nasa bahay lang?

“Siyempre nami-miss ko na po ulit bumalik sa taping,” sambit ni Pau.

Esplika pa niya, “As much as possible, tina-try ko po maging busy and productive, nag-i-study pa rin po ako ‘till now na naka-ECQ tayo, kasi siyempre important iyan. And every morning when I wake-up, I work-out… so usually ganoon lang naman po. And nagiging busy rin po dahil inaayos ko ‘yung mga donations for our frontliners.”

Ano ang reaction niya sa mga pasaway na Pinoy na ayaw sumunod sa mga regulasyon at inuutos ng gobyerno?

“I think for me tito, this is really the best time to spread positivity and in times of crisis like this, dito dapat tayo nagtutulungan. Because iyong pagiging negative natin, hindi naman po makatutulong sa situation nating lahat.

“For me let’s just keep praying and have strong faith in Him,” pahayag ng aktres.

Hinggil naman sa youngest mayor sa bansa na si Alaminos City, Pangasinan Mayor Arth Bryan Celeste, umiwas si Pau na pag-usapan ito. Although umamin na ang aktres na may relasyon na nga sila.

Lastly, ang ginagawa niyang pagtulong sa kapwa ay parang nahawa na rin ba siya sa generosity at kabaitan ng mga taga-BeauteDerm, lalo na ang CEO at President ng BeauteDerm na Ms. Rhea Tan na tila walang kapaguran sa kaliwa’t kanang pagtulong sa mga frontliner at mga nangangailangan ng ayuda?

Nakangiting tugon ni Pauline na isa sa endorsers ng naturang leading beauty products ng bansa, “Sabi ko nga po tito, I think this is really the best time to spread positivity to everyone.

“In times of crisis like this, dapat talaga na magtulungan po tayong lahat, sa maliit man o malaking ating makakayanan. Kung kaya natin tumulong, gawin natin. Because eto po talaga iyong time na kapit-dapat talaga tayo sa isa’t isa.

“We should keep our bond stronger. Sabi nga po ni Mommy Rei, Yes to love and #contribeaut,” aniya pa patungkol sa tila motto ngayon ng BeauteDerm lady boss.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *