Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine Gutierrez, nagsimula ng sariling fundraiser 
Janine Gutierrez, nagsimula ng sariling fundraiser 

Janine Gutierrez, nagsimula ng sariling fundraiser 

MULING binalikan ni Janine Gutierrez sa kanyang pinakahuling vlog ang kanyang New York Fashion Week 2020 experience. Halatang nag-enjoy ang Kapuso actress sa kanyang biyahe na ibinahagi niya sa netizens.

 

Ilan sa mga ito ay ang kanyang private session with celebrity hair stylist Justine Marjan na nakatrabaho na ang iba’t ibang international personalities, kabilang na sina Ariana Grande at Kim Kardashian. Nakita rin nang personal ni Janine ang fashion icon na si Anna Wintour.

 

Sa parehong vlog, ibinahagi rin ni Janine sa kanyang subscribers ang  fundraising initiative niya, ang The Bright Side Project. Ang mga donasyong makakalap ni Janine ay ibabahagi sa frontliners at mga nangangailangang komunidad. May pagkakataon ding manalo ang one lucky donor ng kanyang pre-loved Louis Vuitton wallet. Kung nais mag-donate, magpunta lamang sa link na ito, https://gogetfunding.com/brightside.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top