Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gumawa ng mga fake account nina Marian at Maine, mandarambong
Gumawa ng mga fake account nina Marian at Maine, mandarambong

Gumawa ng mga fake account nina Marian at Maine, mandarambong

LUMUTANG ang magkahiwalay na fake account nina Marian Rivera at Maine Mendoza sa social media nitong nakaraang araw.

 

Agad naman itong sinopla ng manager nina Marian at Maine, si Rams David, Presidente ng Triple A, ang management arm nina Yan at Meng.

 

May screen shot sa Instagram account ni Rams ang magkahiwalay na post ng fake account ng Triple A artists.

 

Sa poser ni Yan, inilabas nitong mamimigay daw siya ng P5K sa mga taong magla-like at share ng kanyang post.

 

Ginamit naman ng fake account ni Meng ang Eat Bulaga at GMA Films President Atty. Annette Gozon para sabihing may pa-raffle na halagang P5K at P10 para sa loyal Kapuso viewers.

 

“Sa panahon ng Krisis, nakuha mo pang pangalan at mukha ni Marian. Hindi pa roon ay nanloko ka ng kapwa.

 

“’Wag naman kababayan, ‘wag naman. Mag-ingat po sa ganitong FAKE ACCOUNT,” bahagi ng caption ni Rams.

 

Tinawag naman ni David na mandarambong ang pekeng account ni Meng na ginamt pa ang Bulaga at GMA para manloko, huh!

 

Sa totoo lang, hindi lang fake news ang kalat sa social mdia ngayon kundi fake account din! Halang ang kaluluwa ng mga taong ito na sinasamantala ang krisis na dulot ng Covid-19!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top