Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie Forteza, isa sa pinakasikat na Kapuso
Barbie Forteza, isa sa pinakasikat na Kapuso

Barbie Forteza, isa sa pinakasikat na Kapuso

Maraming mahuhusay na artista sa Kapuso network pero namumukod tangi ang aktres ng series na Anak ni Waray versus Anak ni Biday na pinagbibidahan rin nina Snooky Serna at Ms. Dina Bonnevie, na si Barbie Forteza.

Sa dinami-rami ng mahuhusay na aktres sa GMA-7, bukod tanging si Barbie lang ang nakipagtagisan ng talino sa superstar na si Nora Aunor na hindi masasabing tinalbugan at pinakain ng alikabok ng mahusay na aktres.

Anyway, going back to Anak ni Waray versus Anak ni Biday, lutang na lutang ang aktres sa mga eksena niya kina Snooky at Dina, specially so with her leading man Migo Adecer.

Magaling rin ang kasama niya ritong si Kate Valdez pero hindi pa rin siya kasing husay ni Barbie.

So, please watch it right after Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado’s soap the very moment na magbalik na ang regular programming sa GMA.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I need you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top