Thursday , April 25 2024

Gari Escobar, ire-release ngayon ang digital single na From Friends to Lovers

MAGKAHALO ang nararamdaman ng singer/composer na si Gari Escobar sa paglabas ng bago niyang single na pinamagatang From Friends to Lovers.

Saad niya, “Ire-release na po digitally sa April 17 ng Ivory Music ang single ko na From Friends to Lovers. Para po ito sa mga umiibig sa kaibigan nila. Nangyayari talaga iyan, suwerte lang kung matiyempuhan mo na mahal ka rin niya o may gusto rin siya sa iyo, or else, ang sakit niyon.”

“Na-experience ko na yun hindi lang dalawang beses. Ang naging diversion ko ay ang paggawa ng songs. Kailangan kasi para hindi ka ma-depress,” dagdag pa ni Gari nang maka-chat namin siya.

Nabanggit din niya na mixed emotions ang pakiramdam niya na kahit may ECQ sa buong Luzon ay ire-release digitally ang kanyang single.

“Mixed emotions po ako kuya Nonie, magkahalo ang lungkot ko at saya. Pero yung lungkot ko sa nangyayari sa mundo ay dina-divert ko sa positive, yung kung paano ako makakatulong sa mga nangangailangan, hindi lang sa frontliners, sa simpleng maaabot lang po ng makakaya ko.

“Plus, lagi po akong nananalangin na hindi po tayo pabayaan ng Diyos at patuloy tayong bigyan ng guidance, mga biyaya, pananampalataya, at tapang na harapin ang bukas at ano mang challenges na nangyayari sa atin ngayon, pati ang mga darating pa.”

Si Gari ay isang licensed real estate broker na noong 1990’s ay isa sa top brokers ng Moldesk Realty na every month ay tumatanggap ng recognition.

Kamakailan ay nag-launch ng kanyang album si Gari, available na ngayon ang self-titled album niya mula Ivory Music. Ito ay mayroong 12 cuts na kinabibilangan ng mga awiting BaguioDito Sa Piling KoTama NaHabang Nandito Pa AkoFrom Friends to LoversHanap Ko Pa RinAyoko na SayoAyaw Kong Makita KaHindi Ka Na Muling Mag-iisaIsang Halik PaMasisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya mismo ang sumulat.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *