Saturday , April 20 2024

Ethel Booba, dinisown ang 1.6M-strong @IamEthylGabison Twitter account

Ethel Booba, started to talk about her disowning of her Twitter account @IamEthylGabison.

For the past four years, napaniwala ang maraming netizens na pag-aari ni Ethel ang naturang Twitter account, na mayroong 1.6 million followers.

Marami ang nag-enjoy rito dahil sa nakaaaliw at eloquent na komento tungkol sa mga reigning political issue and showbiz chika.

But last April 9, 2020, Ethel gave her followers the shock of their lives when she disowned the @IamEthylGabison Twitter account.

“BEWARE of this FAKE! twitter!” was her shocking message to her Instagram followers.

Anyhow, last Tuesday evening, April 14, Ethel posted a revealing info on her YouTube channel.

Sa kanyang “Ethel Booba Vlog#50 THE REVELATION,” the comedienne shared the reason why she agreed for other people to use her Twitter account.

Anyhow, year 2016 raw nang maghatid ng fillers ang taong ito.

‘Yung Twitter account raw no’ng mysterious person, almost eight years na pero 2016 lang ito nagparamdam sa kanya.

Ang nakatatawa, hindi raw niya kilala o nakikita up to now ang taong nagsilbing ‘admin’ sa kanyang Twitter account.

Itinigil raw niya ang kanyang Twitter account dahil puro awayan raw ang kanyang nababasa.

Tapos sabi raw ng kanyang mga kapatid ko, ‘Finollow ako ng Twitter mo.’

“Sabi niyang gano’n, ‘Ikaw pa ba ‘yun?’

“Sabi ko, ‘Hindi, hindi na ako nagtu-Twitter, e.’

“Tapos tiningnan ko ‘yung account, ‘A, oo nga.’

Si Jerry raw, a close friend of Ethel, ang nagpaparating sa taong nasa likod ng @IamEthylGabison ng mga update tungkol kay Ethel.

Anyhow, dahil na rin sa witty at amusing posts sa @IamEthylGabison, dumami nang dumami raw ang followers nito.

Nang isinara nga ito ni Ethel, umabot na ito sa 1.6 million followers.

Ipinaparating raw ni Ethel sa kanyang mga kapatid at kay Jerry ang tweets niya sa ‘admin’ ng kanyang Twitter account.

Wala raw siyang contact rito. Ni hindi nga raw niya alam ang pagmumukha nito.

But since 2019, nag-iba na raw ang takbo ng kanyang pekeng Twitter account.

Puro politika na lang daw ang dini-discuss nito at napansin raw ito ng isa niyang kapatid.

Pati ang kanyang asawang si Jessie Baltazar, na siyang nagsilbing cameraman ng comedienne, ay napuna rin ito.

Ang lalo raw ikina-offend ni Ethel ay ang mga negang tweets matapos ng address to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte dated April 1, 2020.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *