Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mayor Vico, suportado ‘di lang ng mga tao world wide pati ng mga sikat na artista
Mayor Vico, suportado ‘di lang ng mga tao world wide pati ng mga sikat na artista

Mayor Vico, suportado ‘di lang ng mga tao world wide pati ng mga sikat na artista

HINDI siguro nila inaasahan, trending world wide ang pagkampi ng mga tao kay Mayor Vico Sotto ng Pasig City. At ang mga sumusuporta sa kanya ha, hindi mga basta-basta. Lahat halos ng mga sikat na artista naka-suporta kay Mayor Vico. Bakit nga ba hindi eh sa simula pa lang sinasabing maganda naman kasi ang ginagawa niya sa kanyang lunsod.

 

Isa pa, pinagpapaliwanag naman siya ng NBI tungkol sa kanyang pagpayag na pumasada ang mga tricycle noong panahong wala pa namang umiiral na batas na nagbabawal doon. Iyang tricycle at mga TODA, ang permit niyan mula sa local government lang kasi. Wala namang pakialam ang LTFRB diyan. So noong panahong iyon, naisip ni mayor na kailangan, pinayagan niya. Noong sabihing hindi puwede, itinigil niya, ano ang masasabi mo sa mga bagay na iyan.

 

Natawa nga kami sa comment, lalo na ni Angel Locsin, sabi niya, “bakit si Vico. Bakit hindi iyong positive na sa Covid-19 na namamasyal pa hanggang sa ospital?”

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top