Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian at Dingdong, lutong-bahay ang handog sa mga taga-QC Gen hospital
Marian at Dingdong, lutong-bahay ang handog sa mga taga-QC Gen hospital

Marian at Dingdong, lutong-bahay ang handog sa mga taga-QC Gen hospital

LUTONG-BAHAY ang ipinakain nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga frontliner at health workers na nagtatrabaho sa Quezon City General Hospital nitong nakaraang mga araw.

 

Si Marian ang nagluto habang si Dong ang nag-ayos sa packed dinner.

 

“Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkan –aming munting handog sa mga frontliner natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.

 

“Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat.

 

“Panalangin namin ang inyong kalakasan habang hinaharap at tinatalo natin ang krisis na ito,” bahagi ng caption ni Dong sa video.

 

May kasama pang saging ang ginawang menudo ng mag-asawa, huh!

 

Bukod sa menudo, bahagi rin si Yan ng Kindness Kitchen ng global food chain na ineendoso niya na ang layunin ay magpakain sa ilang barangays sa Quezon City.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top