Tuesday , September 23 2025

P1.62-B nalikom ng Project Ugnayan ipamamahagi sa mahihirap sa gitna ng COVID-19

INIHAYAG ng Project Ugnayan, binubuo ng mga top business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Caritas Manila, na umabot na sa P1.62 bilyon ang kabuuan ng “pledged donations”  na “in cash” at “in kind.”

“We are absolutely grateful by the overwhelming response of the private conglomerates in extending their support to those who need help the most. This has enabled us to raise our initial target of helping 1 million to 1.5 million families and make a difference in the lives of some 7.5 million individual residents that have been economically displaced by the ongoing enhanced community quarantine in Greater Metro Manila,” ayon kay Guillermo M. Luz., Project Spokesperson at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF).

Ayon kay Luz, layunin ng proyekto na mapagkalooban ng  P1,000 halaga ng grocery vouchers  ang mahihirap na pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

“In the last 10 days, our partner Caritas Manila was able to distribute grocery vouchers to 218,119 families in economically-vulnerable communities in Greater Metro Manila as of end March, reaching some 1,090,595 individual residents. We hope to reach over 300,000 families in the coming days,” ani Luz.

Ang Caritas Manila network ay kinabibilangan ng  Dioceses of Manila, Antipolo (Rizal), Cubao, Imus (Cavite), Caloocan, Malolos (Bulacan), Novaliches, Parañaque, Pasig, at San Pablo (Laguna) na binubuo ng  628 parishes.

Bukod sa Project’s first two channels – hinikayat ng   Project Damayan ng Caritas, at Pantawid ng Pagibig ng ABS-CBN, Project Ugnayan, at Asian Development Bank at pamahalaan na maabot o mapalawak ang gagawing distribusyon.

Ang “first wave” ng donasyon na natanggap ng Ugnayan Project ay mula sa  Aboitiz Group, ABSCBN/First Gen, Alliance Global Group & Megaworld, Ayala Corporation & Zobel Family, AY Foundation & RCBC, Bench/Suyen Corp, Century Pacific, Concepcion Industrial, DMCI Group of Companies, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug Corporation, Metrobank, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, Ramon S. Ang & Family, SM/BDO, Sunlife of Canada, at Unilab.

Nakatanggap din ng karagdagang donors mula sa   AlphaLand, Cebuana Lhullier, Chito Madrigal Foundation, Coca Cola, Glorious Commercial Exports, Inc., FEU, First Life Financial Company, Focus Global, One Meralco Foundation, Penshoppe, PepsiCo/PepsiCo Foundation, Shang Properties, Inc., at TAO Corporation.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 1 MMSU NCC

Triple Partnership Forge for 2025 National Science and Technology Week

Laoag City, Ilocos Norte – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region …

SM City Baliwag Clean Up Drive

Sa pagdiriwang ng Int’l Coastal Cleanup Day
SM CITY BALIWAG, MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN LUMAHOK SA CLEAN-UP DRIVE SA MGA ILOG 

BILANG paggunita sa International Coastal Cleanup Day, ang SM City Baliwag, sa pakikipagtulungan ng mga …

DigiPlus PhilFirst

DigiPlus at PhilFirst inilunsad surety bond proteksiyon ng mga online gamer

ni Maricris Valdez HINDI na kakaba-kaba ngayon ang mga manlalaro ng online gaming na mawawala …

DigiPlus

Mas Matibay na Player Protection Dama sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone
Surety Bond ng DigiPlus at PhilFirst, Inilunsad

Para sa proteksyon at kapanatagan ng loob ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., …

DOST - 2025 RSTW in ZamPen

DOST – 2025 RSTW in ZamPen

SIYENSYA, TEKNOLOHIYA, AT INOBASYON:  KABALIKAT SA MATATAG, MAGINHAWA, PANATAG NA KINABUKASAN 2025 RSTW in ZamPen …