Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / TikTok videos nina Cassy at Kelvin, kinakiligan ng fans
TikTok videos nina Cassy at Kelvin, kinakiligan ng fans

TikTok videos nina Cassy at Kelvin, kinakiligan ng fans

PATOK sa netizens ang nakakikilig na TikTok videos nina Cassy Legaspi at Kelvin Miranda. Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa kaya hindi nakagugulat na mayroon ng mahigit 2.6 million views ang unang video nina Cassy at Kelvin na “pag tumingin ka, akin ka.”

 

Hindi pa tumigil sa pagpapakilig ang dalawang Kapuso stars na nakitang nagtititigan sa kanilang ikalawang TikTok video.

 

Ang kanilang mala-staring game ay umani na rin ng 1.2 million views, as of this writing.

 

Malapit nang mapanood sa telebisyon sina Cassy at Kelvin dahil kabilang sila sa all-star cast ng upcoming Kapuso series na First Yaya na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

 

Abangan ‘yan sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top