Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez at Papa Art, nag-positibo sa Covid-19
Sylvia Sanchez at Papa Art, nag-positibo sa Covid-19

Sylvia Sanchez at Papa Art, nag-positibo sa Covid-19

GINULAT ni Sylvia Sanchez ang kanyang Instagram followers sa ipinost niya kahapon bandang 1:45 p.m. na positibo silang mag-asawa sa Covid-19.

 

Kaya pala nanahimik si Sylvia at wala siyang mga post sa social media account niya, iyon pala ay maysakit na siya.

 

Ang huling post na nakita namin ay noong kaarawan ng anak niyang si Ria Atayde, Marso 23 na ginanap sa bahay nila kasama ang mga anak at kasambahay.

 

Base sa post ng aktres sa Instagram account niya, “Hi everyone. On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath. We were made to take the covid-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated.

 

“A week later, we finally received the results and we both came out positive for COVID19. We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat.

 

“Art and I are getting better each day. Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there. Until then, we will keep you updated on how this progresses.

 

“Stay safe, healthy and take your 1000mg of vitamin C and 20mg of zinc daily! Most importantly, stay home to help prevent the spread of the virus.”

 

Wala kaming alam na may travel history ang pamilya Atayde pero dahil laging may tapings ng Pamilya Ko si Ibyang bago ipinatupad ang Enchance Community Quarantine at saka lang siya napirmi sa bahay.

 

Umaasa kaming mapapabilis ang paggaling nina Sylvia at Papa Art sa sakit na Covid-9.

 

Naniniwala kaming self-quarantine rin ang mga anak nilang sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi.

 

Mula sa Hataw, dalangin namin ang mabilis na paggaling nina Papa Art at Ibyang.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top