Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / David Licauco, nangalap ng tulong para sa Covid-19 frontliners
David Licauco, nangalap ng tulong para sa Covid-19 frontliners

David Licauco, nangalap ng tulong para sa Covid-19 frontliners

ISA rin ang Kapuso actor na si David Licauco sa mga nagkukusang tumulong para sa mga frontliner ng ating bansa laban sa banta ng global pandemic na Covid-19.

 

Kahapon, nag-post siya sa Twitter ng panawagan sa kanyang mga follower para makakalap ng pinansiyal na tulong sa pagbabahagi ng personal protective equipment o PPEs at iba pang pangangaillangan ng mga ospital.

 

“I am raising funds to donate to Makati Med or whichever hospital of your choice. We already have P120,000 worth of specialized imported PPEs.

 

“If you are willling to donate through BDO online, please let me know. You may contact: 09175191992.” 

 

Sa panahon ngayon, mas tumitindi ang pangangailan at demand ng PPEs tulad ng masks, gloves or face shields dahil araw-araw tumataas ang bilang ng nagpopositibo sa Covid-19 pati rin ang mga PUIs at PUMs na inaalagaan din sa mga ospital.

 

Nawa’y pagpalain lahat ng mga katulad ni David.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top