Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, tunay na Darna sa paglutas ng mga problema sa Covid-19
Angel, tunay na Darna sa paglutas ng mga problema sa Covid-19

Angel, tunay na Darna sa paglutas ng mga problema sa Covid-19

NGAYON naniniwala kami roon sa sinasabi ng marami na siguro nga ang dapat nilang gawing Darna ulit ay si Angel Locsin. Una, hindi naman maikakaila na ang proyektong iyon ay talagang inihanda para sa kanya. Naging katuwiran nga lang iyong nagkaroon siya ng problema sa kanyang spinal column.

 

Pero tingnan ninyo, sa panahong ito ng kalamidad, aba eh talagang parang Darna si Angel. Iyong Department of Health nag-aaral pa kung ano ang gagawin. Iyong mga LGU nag-aaral pa kung sino pakikiusapan para may matulugan man lang ang mga medical worker, eh si Angel nakapagpatayo na ng mga air conditioned tent.

 

Tingnan ninyo, may mga taong lumalapit na kay Angel at humihingi ng tulong kaysa kanilang mga mayor at sa DOH. Si Angel ang dapat ilagay sa isang “hooked up broadcast” dahil siya ang may solusyong dala, hindi iyong puro daldal lang at may birthday greetings pa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top