Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-fundraising
Angel, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-fundraising

Angel, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-fundraising

Sa kabilang banda, sa unang pagkakataon ay nag-fundraising na rin si Angel sa pamamagitan ng Internet para maipagpatuloy ang nasimulan na n’yang pagtatayo ng tent sleeping quarters sa compound ng mga ospital, o sa mga lugar na malapit sa ospital, para sa frontliners na ‘di na nakauuwi ng bahay at sa mga pasilyo na lang ng mga ospital natutulog. 

“Unitentwestandph” ang ibinansag ni Angel sa fundraising n’ya at sa ikalawang araw nito ay nakalikom na ito ng P907, 000. Isang milyon lang muna ang ipinasya n’yang likumin para makapagpatayo ng air-conditioned na tent sleeping quarters hanggang sa labas ng Metro Manila. 

Katuwang ni Angel ang mapapangasawa n’yang si Neil Arce sa civic projects n’ya ngayon. Si Neil ay may reputasyon na isang mayamang indie film producer.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top