Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Market on wheels, nag-iikot na sa Valenzuela  
Market on wheels, nag-iikot na sa Valenzuela   

Market on wheels, nag-iikot na sa Valenzuela  

NAGSIMULA na kahapon ang programang market on wheels ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela.

Simula 7:00 am hanggang 10:00 am ay nagsimulang mag-ikot ang e-trikes na may dalang paninda sa mga lugar ng nasabing lungsod na malayo sa mga palengke.

Kabilang sa unang schedule na iikutan ng maket on wheels ang Felo 1 Subdivision Covered Court, Barangay Rincon at C.F. Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa.

Layunin ng nasabing programa na maiwasan ang siksikan sa mga palengke at makatipid na rin ang mga residente sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.

Ipinaalala sa lahat na laging sundin ang physical distancing na isang metro ang layo.

Kaugnay nito, pinasalamatan at pinuri ni Mayor Rex Gatchalian si Pasig City Mayor Vico Sotto na naunang naglunsad ng nasabing programa sa kanilang lungsod. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top