Tuesday , September 23 2025

Marian at Dingdong, ibinahagi ang bonding time with Zia at Ziggy

KANYA-KANYANG paandar ngayon ang mga filipino kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay matapos magdeklara ng enhanced community quarantine ang pamahalaan bilang laban sa COVID-19.

Sa unang no-contact online fundraising event ng GMA-7 na pinangunahan ng All-Out Sundays stars noong nakaraang Linggo, ibinahagi nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga netizen kung paano ang kanilang bonding time kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ayon kay Dingdong, hinahati nila ang araw sa tatlo – sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat.

Dagdag naman ni Marian, mainam ding gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo.

“Ang masaya kasi ay nagkaroon kami ng oras para maka-bonding ‘yung mga anak namin,” saad naman ni Dong.

Samantala, mapapanood si Marian sa pagbibidahan niyang GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion habang si Dingdong naman ay napapanood sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasama si Jennylyn Mercado.

Pansamantalang pinalitan ng Encantadia Season 2 ang DOTSPH na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

 Xyriel Manabat

Xyriel nawala ang ipong pera

MATABILni John Fontanilla VERY honest na ibinahagi ni Xyriel Manabat na medyo hirap siya sa pera ngayon …

Carla Abellana

Carla kinondena pagpatay ng 100 baka para sa rally sa Davao

I-FLEXni Jun Nardo NAPABALITANG magkakatay saw ng 100 baka para sa magaganap na rally sa …

Joel Lamangan Maris Racal Elijah Canlas Angel Aquino

Direk Joel direktor sa rally; Maris, Elijah, Angel nanguna paglaban sa katiwalian

I-FLEXni Jun Nardo SINA Maris Racal, Elijah Canlas, at Angel Aquino ang may video na nagsasalita laban sa …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Klinton Start

Klinton Start pinagsasabay pag-aaral at pag aartista

MATABILni John Fontanilla ABALANG-ABALA ang dancer/actor na si Klinton Start dahil bukod sa kanyang showbiz career ay …