Saturday , April 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yorme Isko, hanga sa talino ni Mayor Vico
Yorme Isko, hanga sa talino ni Mayor Vico

Yorme Isko, hanga sa talino ni Mayor Vico

HANGA si Yorme Isko Moreno sa kapwa niya mayor na si Vico Sotto. Ito ay dahil sa magandang serbisyo-publiko na ipinakikita ng binata ni Vic Sotto sa kanyang constituents sa Pasig City lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa matinding problema ng Covid-19.

Sabi ni Yorme Isko tungkol kay Vico, “Matalinong bata ‘yun, magaling.”

Ayon pa kay Yorme, sana ay mahawaan siya ng talino ni Mayor Vico.

“Gusto kong gamitin ‘yung talino niya minsan, eh. Sana maambunan tayo ng kaunti. Ako naman kasi, kapag may ginagawang maganda, gusto ko rin kinokopya, eh. Basta sa buhay, lalo na sa pamamahala, puwedeng mangopya.”

Biro pa ni Yorme, basta huwag lang ‘yung assignment o examination ang kinokopya.

“Huwag ninyong gagayahin ‘yun,” aniya pa na natatawa.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top