Saturday , April 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, madalas hamunin ng hiwalayan si Daniel
Kathryn, madalas hamunin ng hiwalayan si Daniel

Kathryn, madalas hamunin ng hiwalayan si Daniel

GAANO katotoong maraming beses nang muntik maghiwalay sina  Kathryn Bernado at Daniel Padilla? Ito’y ayon sa isang mapagkakatiwalaang source.

Aniya, kapag nag-aaway ang dalawa, laging naghahamon ng hiwalayan si Kathryn. Ang ginagawa naman ni Daniel, after ng awayan nila, bumibili ng flowers para ibigay sa kasintahan at inaamo/sinusuyo ito.

At presto, nagkakabati na uli ang dalawa.

Kaya napipigilan ang pagkakanya-kanya ng landas ng KathNiel.

Ganoon ang laging ginagawa ni Daniel. Idinadaan sa flowers si Kathryn kapag nag-aaway sila, o may hindi pinagkakasunduan.

Nakukuha niya sa pa-flowers ang girlfriend at ka-loveteam. Pero mahal naman talaga ni Kath si Daniel, kaya hindi nito hinahayaang matuloy sa hiwalayan ang tampuhan.

“Siguro gusto lang ni Kath na lagi siyang binibigyan ni Daniel ng flowers, kaya lagi niyang tinatakot nito na maghiwalay sila. Mahilig lang siguro siya sa flowers,” natatawang sabi pa ng aming kausap.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top