Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, emotional nang makita ang isa pang ‘anak’ galing US
Sharon, emotional nang makita ang isa pang ‘anak’ galing US

Sharon, emotional nang makita ang isa pang ‘anak’ galing US

VERY open ang buhay ni Sharon Cuneta, kaya naman tila wala na siyang maitatago pa.

Pero na-Wow Mali! fans dahil sa kuwentong sumabog na may itinatago siyang ‘anak’ sa Amerika. Hindi ito ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan, kundi iba.

Kamakailan ay may ibinahagi siya sa kanyang social media na tumutukoy sa sinasabi niyang ‘anak’ na matagal na nawalay sa kanya dahil nakatira at lumaki sa US.

Pero bago magulat ang lahat, ito ay ang anak ng kapatid niyang si Curtis. Napalapit na kasi ang loob ni Sharon sa anak nito kaya naman anak din ang turing niya rito kahit pa sa America nga lumaki.

“Mama” nga rin ang tawag nito sa Megastar. Hindi nga mapigilang maging emosyonal ng dalawa nang magkita.

Sa pagbisita nila sa Pilipinas ni Curtis kasama nito ang asawang si Korinne, at nasabing, “I thank God that he chose you for my boy. It is so easy to love you!”

Ito ang nakaaantig na mensahe ni Sharon para kay Curtis at sa asawa nito.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top