Friday , April 26 2024

Pantawid Ng Pag-ibig ng ABS-CBN, nakalikom ng P256.6-M

BONGGA ang fund raising concert ng ABS CBN 2 na tinawag nilang Pantawid Ng Pag-ibig, na ginanap noong Linggo ng gabi. Napanood ito sa nasabing estasyon. Ito ang concert na ang performers ay puro talent ng Kapamilya Network.

Sa kani-kanilang bahay lang sila kumanta. Napanood sila thru Zoom application. Ang ilan sa mga kumanta ay sina Lea Salonga, Xian Lim, Apl de Ap, Inigo Pascual, Carlo Aquino, JM de Guzman, ang mag asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karyle, ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil. Lani Misalucha, ang bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Jona, Angeline Quinto at Gary Valenciano.

Si Vice Ganda naman ay ipinakita ang music video ng bago niyang awitin na ang title ay Corona Ba-Bye Na. 

Ginawa itong fund raising concert para makalikom ng pondo. Ibibigay ito ng Dos sa mga taong nangangailangan, na hindi kumikita ngayon dahil hindi makapagtrabaho sanhi ng Covid-19.

Marami naman ang tumugon sa panawagang ito Dos. Maraming malalaking business company at mga nakaririwasa sa buhay ang naghulog sa bank accounts na ipinakita sa telebisyon. Almost P256.6-M ang nalikom nila.

Ang pondong nalikom sa Pantawid ng Pag-Ibig ay gagamitin sa pagbili ng bigas, delata, noodles, biskwit, gatas, kape, shampoo, sabon, detergent, at bitamina na ibibigay sa mga Filipinong hindi makapagtrabaho o hanapbuhay para sa kanilang pamilya dahil sa quarantine.

Sinimulan na noong nakaraang linggo ang pamamahagi ng relief packages na pinangunahan ng mga alkalde sa Metro Manila. Sa tulong at suporta mula sa publiko at pribadong sektor, at sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan, umaasa ang ABS-CBN na mapalawig pa ang serbisyo nito sa labas ng Metro Manila, na marami rin ang nahihirapan at humihingi ng tulong.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *