Thursday , November 13 2025

Espesyal na sesyon ng mga senador walang quorum

SINIMULAN ng senado ang ipinatawag na special session ng dalawang kapulungan ng kongreso upang mabigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para labanan o tugunan ang suliranin sa coronavirus 2019 o COVID-19.

Ngunit agad na ipinatigil ang sesyon ng senado dahil sa kawalan ng quorum ng mga senador na dumalo sa sesyon.

Bukod kay Senate President Vicente Sotto III, tanging sina senador Sherwin  Gatchalan, Christopher “Bong” Go, Ramon Revilla, Lito Lapid, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Francis Tolentino, Senadora  Grace Poe, at Pia Cayetano ang dumalo.

Liban kay Senadora Leila de Lima na kasalukuyang nasa kulungan, naka-home quarantine si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nagpositibo sa COVID-19.

Pinalawig naman ang quarantine ni Senadora Nancy Binay na dalawang beses nakasalamuha ang COVID 19 positive at ang isa sa kanila ay namatay na.

Ang iba pang mga senador ay pawang mga nasa labas ng bansa.

Tiniyak ni Binay, siya ay nakatutok sa lahat ng galaw ng senado at handang gumamit ng teknolohiya makabahagi lamang sa nasabing sesyon.

Ayon kay Binay. ayaw niyang isakripisyo ang kalusugan ng kanyang kapwa senador at ilang mga empelyado ng senado.

Piling empleyado lamang ang pinapasok sa Senado para sa nasabing sesyon.

Sa 4 Mayo pa ang regular na sesyon ng mga senador base sa kanilang kalendaryo na nagsipagbakasyon noong 14 Marso.  (NIÑO ACLAN)  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …