Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ECQ pass ipamamahagi sa Maynila
ECQ pass ipamamahagi sa Maynila

ECQ pass ipamamahagi sa Maynila

IPINAHAYAG ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mam­amahagi ang mga barangay sa Kamaynilaan ng home quarantine pass sa bawat pamilya sa gitna ng “enhanced com­munity quarantine” na ipinatutupad sa Luzon.

Sa Facebook post ni Sangguniang Kabataan Chairman Erick Lat, ibinahagi niya ang larawan ng passes na ibibigay sa bawat bahay sa Barangay 775 sa Santa Ana, Maynila.

Maaaring gamitin ito ng kahit na sinong miyembro ng pamilya at dapat nilang dalhin kung bibili sila ng pagkain at gamot sa labas ng kanilang tahanan.

“Kung wala tayong pass, huhulihin po tayo kung tayo ay lalabas ng bahay,” wika ni Lat.

Kasalukuyang gina­ga­wa ang naturang passes at ipamamahagi ng mga opisyal ng barangay kapag natapos na ito.

Estriktong ‘home quarantine’ ang ipina­tutupad sa ilalim ng “enhanced community quarantine” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte. (VV)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top