Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Pakiusap ni Isko sa lessor… ‘Wag munang maningil ng renta
Pakiusap ni Isko sa lessor… ‘Wag munang maningil ng renta

Pakiusap ni Isko sa lessor… ‘Wag munang maningil ng renta

UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga lessor o nagpaparenta ng com­mercial establishments na huwag munang maningil ng upa sa kanilang mga nangungupahan sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa COVID-19.

Sa urgent appeal na inilabas ng Manila Public Information Office na pirmado ng alkalde, hini­ling nito sa mga nagpa­paupa sa mga pang­komersiyong establi­simiyento sa lungsod ng Maynila na sarado nang isang buwan habang umiiral ang “enhanced community quarantine” huwag munang maningil ng renta at charges.

Ginawa ng alkalde ang kanyang apela bunsod ng nararanasang krisis ngayon sa Maynila.

“Buong kababaang loob at taos-puso po akong nakikiusap at umaasa sa inyong pang-unawa,” nakasaad sa urgent appeal ng alkalde.

(VV)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top